Ang Mga Pagbabago Noon at Ngayon
Ang Mga Pagbabago Noon at Ngayon Ni: Aive Marist Obsioma Napakabilis ng paglipas ng panahon, pati na rin ang henerasyon ngayon. Ang mga bagay na ginagamit o ang mga pinapaniwalaan noon ay maaaring nag-iba na ngayon. Bawat dekadang lumilipas ay nagdadala ng napakaraming pagbabago na siyang nakaaapekto sa madla. Umunlad nang umunlad pa lalo ang industriya sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ito ang naghatid sa atin sa madaling pagkatuto bilang bagong henerasyon. Ngunit, sa pagdating ng bagong panahon malilimutan na ba ang kahapon? Matututo pa rin kaya ang henerasyon noon sa mga bagong uso ng henerasyon ngayon? Alamin natin kung ano ang mga pagkakaiba ng mga bagay-bagay noon at ngayon. Kung pag-uusapan ang mga teknolohiya ng ating mga magulang tatlumpung taon ang nakararaan, ang nauuso lamang noon ay ang mga radyo cassette, mga babasahin, libro, typewriter, mga makalumang disenyo ng telebisyon at mga telepono. Napakalimitado lamang ng mga teknolohiyang ginagamit ni