Ang Mga Pagbabago Noon at Ngayon
Ang Mga Pagbabago Noon at Ngayon
Ni: Aive Marist Obsioma
Napakabilis ng paglipas ng panahon, pati na rin ang henerasyon ngayon. Ang mga bagay na
ginagamit o ang mga pinapaniwalaan noon ay maaaring nag-iba na ngayon. Bawat
dekadang lumilipas ay nagdadala ng napakaraming pagbabago na siyang nakaaapekto
sa madla. Umunlad nang umunlad pa lalo ang industriya sa pag-usbong ng
makabagong teknolohiya. Ito ang naghatid sa atin sa madaling pagkatuto bilang
bagong henerasyon. Ngunit, sa pagdating ng bagong panahon malilimutan na ba ang
kahapon? Matututo pa rin kaya ang henerasyon noon sa mga bagong uso ng
henerasyon ngayon?
Alamin natin kung ano ang mga pagkakaiba ng mga bagay-bagay noon at
ngayon.
Kung pag-uusapan ang mga teknolohiya ng ating mga magulang tatlumpung taon ang nakararaan, ang nauuso lamang noon ay ang mga radyo cassette, mga babasahin, libro, typewriter, mga makalumang disenyo ng telebisyon at mga telepono. Napakalimitado lamang ng mga teknolohiyang ginagamit nila noon at tanging ang mga may kaya lang ang
nakabibili nito. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga bagay
na nauuso. Nagbunsod ito sa mga malikhaing imbentor na mag-imbento pa ng mga
bagay na siguradong papatok sa mga tao. Kaya sa henerasyon ngayon, mayroon nang
mga bagong teknolohiya na nagpapadali ng ating mga gawain na kinagigiliwan lalo
na ng mga kabataan. Nauuso na ang mga touch screen na mga selpon na siyang
ginagamit ng bagong henerasyon hindi lang sa pakikipagkomunikasyon kundi pati
na rin bilang isang libangan. Mayroon pa itong mga aplikasyon na madali mong
magagamit at mai-install. Mayroon na ding mga makabagong disenyo ng kompyuter,
mga tablet, laptop, mga bagong disenyo ng radyo, printer, headset, Bluetooth
speaker, memory cards, hard drives at marami pang iba. Kapag mayroong mga
impormasyong kailangan hanapin ay maaari nang makakonekta sa tinatawag natin
ngayon na internet at dumidiretso na sa mga websites upang makakalap ng bagong
impormasyon at maaari pa natin itong mai-download na dati ay makukuha lamang sa
pagbabasa ng mga libro sa silid-aklatan.
Sa pakikipag-ugnayang sosyal naman ng ating mga magulang tatlumpung taon na ang
nakararaan, ang ating mga magulang ay personal na nakikipag-usap o
nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga kakilala – nagtatawanan at masayang bumubuo
ng alaala. Ang mga taong nakikilala at nakakasama nila sa araw-araw ang siyang
itinuturing nilang kaibigan na maaasahan at pinapahalagahan nila kahit ilang
taon pa ang lumipas. Naging napakaimportante din noon ang pagkakaroon ng mga
pagtitipon upang muling magkita ang mga magkakaibigan o mga kapamilya nila noon
na matagal nilang hindi nakasama o nakausap. Sa pakikipagkomunikasyon naman sa
mga taong nasa malayong lugar ay gumagamit sila ng telegrama na kung saan
nagpapadala sila ng sulat at matipid lamang ang kanilang mga salita na
naisusulat dahil ang bawat salita ay mayroong bayad. Sa paglutas naman ng mga
personal na problema naman noon, ay talagang idinadaan ito sa harap-harapan at
mabuting usapan upang magkarron ng kapayapaan sa bawat panig. Sa panahon natin
ngayon madali na nating nakakausap ang ating mga kakilala sa kahit saan mang
panig ng mundo. Mayroon na tayong tinatawag na social media na maaari na nating
magamit upang makasagap ng balita sa mga taong malalapit sa ating buhay.
Lumaganap na ang paggamit ng facebook, instagram, twitter, skype at marami pang
iba. sa pamamagitan nito maaari na tayong makakilala ng mga taong taga ibang bansa.
Kapag nagkakaroon ng problema ang mga tao ngayon, ay idinadaan na sa pagpo-post
ng status sa facebook. Sa paraan naman ng panliligaw noon, ang isang lalaki ay
nagpapadala ng mga sulat sa kanyang minamahal o di naman kaya ay hinaharana
nito ang kanyang nililigawan sa bahay mismo ng isang dalaga. Ngunit sa
pag-usbong ng makabagong teknolohiya at lalo na ng social media isang text o
chat na lang sa isang dalaga ay agad itong magkakaroon ng kasintahan
ginagamitan na lang ng mga matatamis na salita at ng mga tinatawag nating
banat. Kaya ang kadalasan na nangyayari sa mga relasyon ay hindi na nagtatagal
ng isang taon. Nagiging bukas na din ang mga tao ngayon sa paglalantad ng mga
bagong kasarian sa lipunan dahil sa pagbabasa ng mga artikulo sa internet na
napapatungkol sa LGBT community.
Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng mga paniniwala o mga nakaugalian na atin
pang natutunan sa ating mga nakatatanda. Nagkaroon din tayo ng mga paniniwala
dahil sa impluwensiya ng ating kanya-kanyang relihiyon. Sa mga paniniwala naman
ng ating mga magulang noon tatlumpung taon na ang nakararaan, napakahalaga sa
kanila ang pagrespeto at disiplina sa kanilang sarili. Noon, kapag ang isang
bagay ay mali ito ay pinapaniwalaang mali ng lahat, ang bawal ay bawal at dapat
na sumunod sa mga dati nang pinaniniwalaan sa isang kultura. Sa panahon ngayon
ang mga bawal o mali ay maaari nang tanggapin depende sa kung ano ang dahilan o
mga rason na nag udyok sa kanila na gawin ito. Unti-unti nang naglalaho ang mga
nakaugalian ng ating mga magulang noon dahil umusbong na rin ang mga pag-aaral
ng mga mananaliksik upang mabigyan ng paliwanag ang mga tanong na bumabagabag
sa ating mga isipan.
Lahat ng mga pagbabagong ito ay naghatid sa atin ng pagkamulat sa katotohanan, nagkaroon na tayo ng mga oportunidad na mahasa ang ating mga kakayahan sa paglalahad ng
ating opinyon, makatuklas ng mga bagong kaalaman upang makipagsabayan sa
globalisasyon. Mayroon pa ring mga taong kabilang sa henerasyon noon na mas
pinipili na gawin o gamitin ang mga bagay na nakasanayan na nila at mayroon din
namang mga taong gustong matutunan ang mga bagong teknolohiya upang sila ay
hindi rin mapag-iwanan ng bagong henerasyon. Ngayon, malaya na nating nagagawa
ang mga bagay sa pamamagitan ng teknolohiya at sa tulong ng internet. Hindi na
tulad noon sa panahon ng ating mga magulang na napakalimitado at komplikado ng
kanilang mga kagamitan o teknolohiya.
Marami ang adbentahe sa paggamit ng teknolohiya ngunit kaakibat din nito ang mga
disadbentahe. Napakalaki ng maitutulong ng teknolohiya lalo na sa mga guro na nagtuturo sa paaralan. Kapag ang guro ay marunong gumamit ng teknolohiya sa pagpresenta ng kanyang aralin ay madali niyang makukuha ang atensyon ng kanyang mga estudyanteng sakop ng bagong henerasyon at gaganahan pa silang matuto. Maaari ring gamitin ang teknolohiya sa negosyo, sa paglibot sa mundo, makatuklas ng mga aplikasyon na maaaring magamit ng nakararami. Maaari ring makasira ang teknolohiya kung hindi ito gagamitin nang mabuti. Maaari itong makasira ng relasyon sa iyong pamilya o kaya ay sa iyong pakikisama sa iba. Maaaring nakakasira na ang teknolohiya kung ang isang tao ay hindi na ginagawa ang mga responsibilidad nito. Sa kabila ng pagpapahayag na ito ay masasabing ang teknolohiya ay isang napakalaking biyaya ngunit dapat nating gamitin sa tamang paraan upang hindi masira ang ating buhay. Sa ating mga desisyon nakasalalay ang mabuti at masamang dulot ng pagkakaroon ng teknolohiya.
disadbentahe. Napakalaki ng maitutulong ng teknolohiya lalo na sa mga guro na nagtuturo sa paaralan. Kapag ang guro ay marunong gumamit ng teknolohiya sa pagpresenta ng kanyang aralin ay madali niyang makukuha ang atensyon ng kanyang mga estudyanteng sakop ng bagong henerasyon at gaganahan pa silang matuto. Maaari ring gamitin ang teknolohiya sa negosyo, sa paglibot sa mundo, makatuklas ng mga aplikasyon na maaaring magamit ng nakararami. Maaari ring makasira ang teknolohiya kung hindi ito gagamitin nang mabuti. Maaari itong makasira ng relasyon sa iyong pamilya o kaya ay sa iyong pakikisama sa iba. Maaaring nakakasira na ang teknolohiya kung ang isang tao ay hindi na ginagawa ang mga responsibilidad nito. Sa kabila ng pagpapahayag na ito ay masasabing ang teknolohiya ay isang napakalaking biyaya ngunit dapat nating gamitin sa tamang paraan upang hindi masira ang ating buhay. Sa ating mga desisyon nakasalalay ang mabuti at masamang dulot ng pagkakaroon ng teknolohiya.
I mostly agree on this opinion.
TumugonBurahinIt make your confusing processes much easier.
You can have more own time thanks to the technologies.
As the author said, there are still some problems in using these things, but mostly, these errors are caused by human mistakes.
if you can take close look to these things, you can use these things in right way, and it gives your life a innovation.
masadong hindi ko na naaalala ang mga gamit noon
TumugonBurahinDti keypad lng na cp ngayon mga flatscreen na pati loptop
TumugonBurahin